Rebyu

ReviewReviewReviewReviewTalaarawan (The 3rd Album)Aug 11, '07 11:31 AM
for everyone
Category:Music
Genre: Alternative Rock
Artist:Sugarfree
Dear Kuya - Anak ng pating!! Halos mapaluha ako sa kantang ito. Wala akong masabi. Parang inaawit sa akin ng mga kapatid ko ang kantang 'to habang wala ako! Astig!! Galing galing!!

Reunion - "Habang tumatanda, tayoy tumataba!" Ayun! Para to sa lahat ng nag kikita makalipas ang ilang taon, pansinin ang buhay, tumataba at pati problema, naglalakihan

Wag kang Umiyak - Parang pareho lang ito ng last na kanta nila sa Dramachine na "Alinlangan" ok din siya pero mejo common na!

Ikaw Pala - Kakaiba ito! hanap pa tayo ng hanap ng iibigin eh, nasa tabi tabi lang naman pala, hindi lang natin nakikita...hindi man lang sila nagsasalita..pero, sila naman pala ang para sa atin.

Kailan pa ba? - Sino, nasan, kailan, pa ba? para sa lahat ng singles diyan tulad ko!..eto ang awitin!

Kung ayaw mo na sa akin - "Leche lalong ayoko sayo!" gustong gusto ko yung linyang yun..galit na galit si boss ebe sa awitin. sobrang maganda itong song na to dahil mararamdaman mo pa din na ayaw pero gusto pa niya sa tao kahit sinaktan siya.

Huling Gabi - Kailangan niyo munang marinig yung UNANG ARAW ng sugarfree sa "SA WAKAS" album nila. hehehehe..nice song to!

Salamin - favorite ko sa lahat! ANg ganda ganda ganda..nag describe talaga ito sa nararamdaman ng taong sobrang busy at hindi na makilala kung sino ba siya talaga.

Nangangawit - Simpleng analogy na nangangawit din ang puso natin.

Pasyalan - Unang pumapasok sa isip ko yung "KWENTUHAN" na kanta nila. Magandang awitin din ito..imagine na lang na nasa park kayo! hehehe

Wari koy - malungkot pero sobrang ramdam na ramdam mo ang nasa puso ng umaawit. paghahanap ng mga nawawalang pag-ibig.

Pinakamagaling na tao sa balat ng lupa - Ayun! Sino ba superhero diyan?? sa mga mahahangin, magagaling, know-it-all na tao..para ito sa inyo!!!


Yan po ay aking rebyu! Sobrang sulit ang 3rd Album ng sugarfree...ayon sa aking pakikinig.. Tatlong thumbs up para sa album na malupet! Talagang tala-arawan ko ito!!
Good job Ebe, Jal and Kaka!!


© 2008 Multiply, Inc.    About · Blog · Terms · Privacy · Corp Info · Contact Us · Help